Redepinasyon ng ‘fully vaxxed’ oks sa eksperto

Redepinasyon ng ‘fully vaxxed’ oks sa eksperto

September 18, 2022 @ 11:17 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbigay-suporta ang isang infectious disease expert sa muling pagpapalutang ng Department of Health sa panukalang baguhin ang pagtukoy sa terminong “full vaccination” laban sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante hindi gagana ang herd immunity na target ng Pilipinas kung base lang sa dalawang turok ng COVID-19 vaccine na kasalukuyan ding depinasyon para masabing fully vaccinated, dahil na rin sa mga nagsulputang iba’t ibang mga variant at sub-variant ng virus.

“The variants of concern are changing. So everyone should be getting their vaccines, their boosters,” giit pa ni Solante.

“We are going to redefine the ‘fully-vaccinated.’ We will require workplaces, schools and high-risk areas, such that people can only enter if [their] vaccination is updated, and with booster,” aniya pa.

Gayunpaman, naunang pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag magkaroon ng bagong kahulugan kung sino ang maaaring ituring na ganap na nabakunahan laban sa COVID-19, sinabi ng Department of Health.

“Inirekomenda na natin ito sa Pangulo, at pinayuhan tayo ng Pangulo na huwag muna dahil mas magdudulot ito ng kalituhan, lalo na ngayong marami na tayong mga pulis na pinapalabas,” sabi naman ni DOH officer-in-charge Dr. Rosario Vergeire. RNT