Reenactment ng pagpatay kay Mayor Halili, isinagawa na!

Reenactment ng pagpatay kay Mayor Halili, isinagawa na!

July 5, 2018 @ 10:50 AM 5 years ago


 

Tanauan City – Isinagawa na ng police task group ngayong araw, July 5, ang reenactment ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili na nangyari noong Lunes ng umaga.

Nagsimula ang reenactment pasado alas-otso ng umaga, kanina, sa kaparehong oras noong barilin ng isang assassin si Mayor Halili sa kasagsagan ng flag-raising ceremony noong July 2, 2018.

Pinangunahan ito ng mga miyembro ng Special Investigation Task Group Halili na pinili mula sa Calabarzon (Region 4-A) police.

Ang naturang reenactment ay isinagawa upang mabigyang linaw ang pagpatay kay Mayor Halili at upang suportahan ang kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Remate News Team)