Referees sa Amores, JRU vs  Benilde, suspendido rin

Referees sa Amores, JRU vs  Benilde, suspendido rin

November 17, 2022 @ 8:37 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinatawan ng automatic preventive suspension ang  mga referee na nangasiwa ng laban sa pagitan ng  Jose Rizal University Heavy Bombers at Dela Salle- College of St. Benilde na nauwi sa pananapak ni John Amores noong November 8, 2022.

Ayon sa  National College Athletic Association (NCAA), inilagay nila sa preventive suspension ang mga referee habang ginagawa nila ang malalimang imbestigasyon ng insidente kung saan apat na manlalaro ng St. Benilde ang pinatikim ng sapak ng nagwawalang si Amores.

Ayon kay NCAA Hecules Callante ng  Management Committee, ang mga referees na sina Anthony Sulit, Dennis Escaros, at Antonio Baguion ay nasa ilalim ng imbestigasyon at kasalukuyang sinuspinde sa pag-officiate ng mga laro sa NCAA.

 “‘Yung peripherals, yung security, referees and officiating, those are still forthcoming. They are under preventive suspension at the moment,” ani Callantas.

“Automatic yan, if there’s a unfortunate incident that took place, there’s an automatic preventive suspension. Hangga’t hindi sila clear, bawal silang mag-officiate,” ani Callante.

Sina Sulit, Escaros, at Bagiuon ang mga opisyal na humawak sa laro sa pagitan ng Heavy Bombers at Blazers kung saan sinuntok ni John Amores ng JRU ang apat na manlalaro ng Benilde habang may 3:22 ang nalalabi sa laro.

“I don’t want to preempt the results of the investigation cause we’re still going to go through all the footage from different angles as well as accounts from both sides, JRU and Saint Benilde,” dagdag pa nito.

Bukod sa mga referees, iniimbestigahan din ang mga manonood at manunukso na umano’y nag-trigger ng outburst ni Amores.