Reformulated vaccines iminungkahi ng expert vs. COVID variant

Reformulated vaccines iminungkahi ng expert vs. COVID variant

September 21, 2021 @ 7:21 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na dapat magkaroon ang Pilipinas ng reformulated COVID-19 vaccines kung planong magturok ng booster doses sa mga susunod.

 “Sa general population mukhang for now two doses is enough at kung magkaka-booster man tayo later on, I would rather get a new and improved reformulated vaccine na kasama na iyong Delta sa titirahin niya dahil kung mag-boost tayo nitong old-type vaccine, I don’t know how much more it will add sa clinical efficacy and mataas na rin iyong protection against severe disease,” ani Salvana sa Palace news conference.

Sa ngayon, dapat ipagpatuloy ng bansa ang pagbabakuna.

Sinang-ayunan naman ito ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco.

“At this point, it’s so important to build up population immunity in the Philippines and the population immunity will also directly benefit those who are immunocompromised and who might have weakened immune systems because it prevents the virus from getting to them.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •