Refund sa Meralco bill epektibo ngayong Hulyo

Refund sa Meralco bill epektibo ngayong Hulyo

July 11, 2022 @ 3:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Asahan na ng mga kustomer ng Manila Electric Co. (Meralco) ang mas mababang singil sa kuryente para sa buwan ng Hulyo, kasunod ng refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagpasok ng buwan.

Sa isang abiso, sinabi ng Meralco na ang overall rate para sa typical household ay binawasan ng 70.67 centavos hanggang P9.7545 kada kilowatt-hour (/kWh) mula sa P10.4612/kWh noong Hunyo.

Nangangahulugan ito ng P141 kaltas sa total bill ng residential customers na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours, kasunod ng apat na magkakasunod na buwan ng dagdag-singil.

“This month’s reduction effectively reversed all increases in the overall power rates since the start of the year,” pahayag ng Meralco.

Iniugnay ng Meralco ang bawas-singil sa desisyon ng ERC na i-recalculate ang difference ng  actual weighted average tariff (AWAT) at ng final interim average rate (IAR) na P1.3522/kWh mula Hulyo 2015 hanggang Hunyo 2022.

“As a highly regulated entity, Meralco’s rates undergo a review and confirmation process to make sure they are fair and reasonable,” sabi ni Meralco Head of Regulatory Management Atty. Jose Ronald Valles.

“The immediate implementation of the ERC decision was able to more than offset the impact of higher generation charge this month to the benefit of our customers,” dagdag niya. RNT/SA