Refund sa mga consumers ng Manila Water, malabo pa

Refund sa mga consumers ng Manila Water, malabo pa

March 18, 2019 @ 2:25 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Malabo pa kung makakapagpatupad ang Manila Water Company ng refund sa mga consumer nito para sa halaga na binabayaran para sa serbisyo sa tubig kahit wala silang supply.

Sa pagdinig ng House Oversight Committee on Metro Manila, kinumpirma ni Manila Water president and Chief Executive Officer Ferdinand Dela Cruz na nagbabayad ang kanilang mga customer kahit na walang dumadaloy na tubig sa mga gripo, subalit wala pang napag-uusapan para sa refund dahil sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa water restoration.

Sinab ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gonzales na dapat ikonsidera ng Manila Water ang rebate o discount lalo sa buwan ng Marso o sa kung hanggang saan aabutin ang nararanasang krisis.

“As early as in the night of March 7, 2019, Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has turned the routine of our lives upside down. And despite the promises made by Manila Water of relief from this crisis, situations in some areas up to now still has not improved. Residents remain sleepless – still waiting, begging and crying out for water” pahayag ni Gonzales.

Giit ni Gonzales patas lamang na hindi na magbayad ang mga customers ng Maynilad na naapektuhan ng water shortage.

Samantala, inamin naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty na walang kapangyarihang magpataw ng penalty ang MWSS laban sa Manila water at ang tangi lamang na magagawa ay pagbasehan ang performance ng kumpanya sa kanilang rate rebasing na makakapekto sa kanilang pagtaas ng singil sa tubig pagsapit ng 2022.

Tugon naman ni dela Cruz na handa ang kanilang kumpanya na harapin ang anumang parusang ipapataw sa kanila. Gail Mendoza