Regalo ni Chiz kay Heart, molde ng mukha ng asawa!

Regalo ni Chiz kay Heart, molde ng mukha ng asawa!

February 15, 2023 @ 6:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Name all branded stuff: mapa-damit, bag o alahas man ay walang kasing-precious na maituturing ni Heart Evangelista kung ikukumpara sa birthday cum Valentine gift sa kanya ng asawang si Senator Chiz Escudero na molde ng kanyang mismong mukha.

Nitong misnong Araw ng mga Puso ay ipinagdiwang ni Heart ang kanyang 38th birthday.

Sa halip na mamahaling signature stuff ang iniregalo ni Chiz sa kanya, molding ng kanyang mukha ang natanggap ng aktres.

Para kay Heart, it was her happiest birthday ever.

Very significant ang moldeng ‘yon sa buhay ni Heart.

Beinte uno anyos lang daw siya when she did the telenovela Hiram na Mukha.

The production took a mold of her face.

But for some reason daw ay nawawala ito, she has been looking for it daw for 17 years.

About three years ago’y nabanggit daw ni Heart kay Chiz ang tungkol sa molde.

Little did she know na nag-effort ang senador para hanapin ito.

Naging daan daw ang mga bossing ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak at Mark Lopez para matunton ang kinaroroonan ng molde.

Chiz then commissioned Heart’s favorite artist Ferdie Cacnio na hulmahin ang natagpuang cast, na ang molde nga’y ipinangregalo niya kay Heart.

Seventeen years ago ay nasa ABS-CBN pa si Heart. She already transferred to GMA nang magkakilala sila ni Chiz, thanks to the introduction of Senator Miriam Santiago.

Samantala, to end all speculations na may problema silang mag-asawa, mapapansing laging karay ni Heart si Chiz sa kanyang mga lakad.

Yes, si Heart nga ‘yon in flesh and blood at hindi ang kanyang Hiram na Mukha sculpture! Ronnie Carrasco III