Regalo sa Araw ng mga Puso

Regalo sa Araw ng mga Puso

February 12, 2021 @ 6:22 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nagpamahagi ng regalo sa mga kawani ng media ang  mga miyembro ng Public Relations Officers of the Senators (PROS) na pinamumunuan ni Glenda Olid, sa nalalapit na Araw ng mga Puso.

Halos mag-iisang taon nang sarado ang Senate Press Office dahil sa pandemya at tanging sa Youtube o Facebook live, maging sa pamamagitan ng pagtawag, lamang kumukuha ng balita ang ilang mga miyembro ng media.

Dahil dito mas dinoble pa ng PROS ang kanilang trabaho para makapagpakalat ng impormasyon para sa publiko katuwang ang  Senate Public Relations and Information Bureau. Photo Credit: Mike Acac, Ofc of Sen. Pia Cayetano

  •  
  •  
  •