Regine, aminadong laos na!

Regine, aminadong laos na!

July 23, 2022 @ 12:27 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Buong kababaang loob na inamin ni Regine Velasquez na tapos na ang kanyang panahon.

Although patuloy pa rin daw siyang nagpe- perform, “It’s no longer my time.”

To date, 35 ro 36 years na ang binansagang Asia’s Songbird sa industriya.

Thankful siya dahil narito pa rin siya, doing concerts.

Pero aware siya na sa rami ng mga nagsusulputang singer, hindi na niya hawak ang kasikatan.

Pero aniya, ikinatutuwa niya na siya ang paboritong mentor ng mga baguhan.

Having amassed so much experience, nais lang daw ni Regine na ibahagi ang kanyang kaalaman sa pagkanta.

Ano nga naman daw ang silbi ng kanyang talento kung hindi naman niya ito sine-share sa iba?

Hindi raw ‘yon para makipagkumpitensya pa siya.

“Alam ko naman kung saan ako nakalugar, basta I’m grateful that other singers choose me as their mentor,” sabi ng maybahay ni Ogie Alcasid. Ronnie Carrasco III