Regine, aminadong panis kay Morisette!

Regine, aminadong panis kay Morisette!

February 6, 2023 @ 7:12 PM 2 months ago


Manila, Philippines- It takes an amount of guts to acknowledge one’s imperfection.

Sa aspetong ito mapupuri si Regine Velasquez na aware sa mga bagay na hindi abot ng kanyang kakayahan.

Sa tinaguriang Asia’s Songbird na rin nanggaling na gone are the days na minamani lang niya ang mga high notes.

This she confessed on Magandang Buhay as she talked about having to struggle sa duet nila ni Morisette Amon sa ASAP Natin ‘To.

Nagduweto kasi ang dalawa sa awiting Gusto Ko Nang Bumitaw.

Earlier before the duet ay kabado na raw si Regine kung mabibigyan niya ng hustisya ang nasabing kanta knowing na napakataas nito.

Aniya, “Eh, ako 100 years old na habang si Mori ‘jugets’. Iniisip ko kung kakayanin kong abutin ‘yung high notes.”

Supposedly, pakikiusapan daw niya ‘yung banda na kung maaari’y ibaba nang konti ang tono.

Patuloy na kuwento ni Mrs.

Alcasid: “Kaso, nagsimula na. Alangan namang tumigil ako. Sabi ko, bahala na. Awa naman ng Diyos, naitawid ko pero nahirapan talaga ako!”

Kilalang biritera si Regine kaya natural na ine-expect ng tao na mala-walk in the park lang ang piyesang ‘yon na talaga namang makapatid-ugat.

What’s admirable of Regine is her honest self-assessment na hindi porke diva ay keri niyang ilampaso ang ka-duet.

Nakakatawa ngang isipin na ang natokang kanta pa sa kanya ay ‘yon, “Talagang gusto ko nang bumitaw!”

But Regine was able to pull it through! Ronnie Carrasco III