Regine, apektado pa rin sa pang-iiwan ni Jaya!

Regine, apektado pa rin sa pang-iiwan ni Jaya!

May 10, 2022 @ 1:34 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Para kay Regine Velasquez, hindi nasusukat ang tunay na pagkakaibigan sa dami kundi sa kalidad ng mga true friends na meron siya, lalo na sa showbiz.

Katunayan, sa isang panayam, inamin niyang sobra siyang apektado nang magdesisyon ang kanyang kaibigang si Jaya na iwan ang Pilipinas at manirahan sa ibang bansa.

Para raw kasing nawalan siya ng soul sister na matatakbuhan kapag nalulungkot siya.

Hirit pa ng Asia’s Songbird, “sabihin nang may pagka-possessive o selfish, pero iba talaga ang pinagsamahan at pinagdaanan namin.

“Na-hurt ako kasi feeling ko iniwan ako ng kaibigan ko so hindi ko siya kinausap, although nag-usap na kami pero hindi ko masabi na na-hurt ako kasi iniwan mo ako, ganu’n ‘yung feeling ko.

“Kasi parang, ‘di ba magkaibigan tayo, dapat ‘di ba lagi tayong magkasama? But I know that meron siyang reason why she needed to leave and naiintindihan ko naman ‘yun, ayaw ko lang intindihin, alam mo ‘yun.”

Mula raw nang manirahan sa Tate ang kaibigan, feeling ni Regine ay nabawasan din siya ng pakpak lalo pa’t lagi niyang nami-miss ito.

“The thing is I’m not usually like that, I am a very understanding person, sige kung saan ka masaya. I don’t know why I am like this with her maybe because nga ‘yung sa dami na ng pinagdaanan namin and I wanted for her to be here and I am being possessive maybe and maybe I am being selfish but I know she understands naman,” paliwanag niya. Archie Liao