Regine, beastmode sa basher ni Ogie!

Regine, beastmode sa basher ni Ogie!

October 13, 2021 @ 11:30 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nagtanghal na nga nang libre, inalipusta pa!

Ito ang nangyari kay Regine Velasquez na nagkaroon ng free online concert sa kanyang YouTube channel.

May ilan kasing hindi nasiyahan doon tulad ng dispalinghadong audio at ang partisipasyon ng asawang si Ogie Alcasid sa ibang portion.

Mas pinalagan ng Asia’s Songbird ang reklamo tungkol sa kanyang asawa.

Agad siyang nag-react sa Twitter pagkatapos ng live streaming.

Tinnawag ni Regine na “makakapal ang mukha” ang mga nagreklamong nanood, “Parang ang laki ng ibinayad n’yo sa asawa ko, ah! Libre lang ‘yon kaya walang basagan ng trip!”

Dumepensa naman kay Regine ang ilang netizens na huwag na raw pansinin ang mga ito. Niresbakan din ng mga ito ang mga bashers na feeling sila ang producer kung makapag-utos na huwag nang isama si Ogie.

Sa bandang huli, sinabi ni Regine na kung ayaw raw ng mga ito ang kanyang libre na ngang online concert, “Huwag kayong manood!”

Mapapanood pa ang naturang pagtatanghal sa YT channel ni Regine. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •