Regine, may hanash sa mga basher!

Regine, may hanash sa mga basher!

October 15, 2022 @ 1:57 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa ginanap na 13th PMPC Star Award for Music sa Newport Resort World Theater, Pasay City, ay parehong tumanggap ng award ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sa backstage ay nakatsihan ng ilang members ng PMPC ang mag-asawa.

Ayon kay Asia`s Songbird, okey lang na siya na lang ang i-bash huwag lang ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang mister na si Ogie.

Isa nga sa napag-usapan ay ang pagpatol ni Regine sa mga bashers, especially doon sa mga naghahangad na mawasak ang kanilang pagsasama.

“Dapat, actually hindi ko na pinapatulan. Pero kasi kapag ako yong pipintasan or whatever, parang I don`t really mind, I`m used to it. But kung yong family ko, especially yong asawa ko, nati-trigger ako.

“I mean, don`t get me wrong, our relationship is not perfect. Wala namang relasyon na perfect, eh, pero parang to wish that (ang maghiwalay sila) in a couple para sa isang couple na…obviously we`re trying to work at our relationship, parang ang mean, It`s so mean,” say pa ni Songbird Regine.

Ayon pa kay Regine, sa dami ng pinagdadaanan ng bansa ay ito pa rin ang mentalidad ng ibang mga tao.

“Ang dami na nating pinagdadaanan, my gosh! Ang daming nabawas sa atin, namatayan tayo, ang daming nawala sa atin, hanggang ngayon ba, ganon pa rin? Hindi pa ba tayo natuto?

“Hindi ba dapat, more than anything else, mas maganda if we try to encourage each other and support each other knowing that ang dami sa ating may pinagdadaanan. Lahat tayo. Depression, lahat, anxiety. Dinaanan natin lahat `yan.

“Hanggang ngayon, ganon pa rin tayo, Parang hindi tayo natuto. So, nakaka-sad.” ani Regine.

Ayon naman kay Ogie, tinatawanan na lang daw niya ang mga bashers. Tanggap naman daw niya na hindi lahat ay gusto sila.

“That`s why, I tweeted something like, ‘keep the ones that care about you close to your heart because they matter. Kasi, pag binigyan mo ng energy yung kanegahan, ikaw lang yong napagod, eh, di ba? “ say ni Ogie.

Pero may hirit si Regine, “ako, hindi ako napagod,” sabay tawa.

Sabi pa ng Songbird, mabait lang daw talaga ang kanyang mister. Gerry Ocampo