Regine, na-expose sa COVID 19, V-day concert, kanselado!

Regine, na-expose sa COVID 19, V-day concert, kanselado!

February 10, 2021 @ 4:42 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Naunang mag-release ang ABS-CBN ng statement na kanselado ang Valentine digital concert ni Regine Velasquez.

Ilang minuto pagkatapos ay sinegundahan ito mismo ng Asia’s Songbird.

Pinamagatang ‘Freedom’ ang concert ni Regine sa mismong Araw ng Mga Puso.

Ayon sa ABS-CBN at kay Regine mismo, na-expose daw siya sa isang taong nagpositibo sa COVID-19.

Ayaw naman ikompromiso ni Regine ang kaligtasan ng kanyang pamilya, at maging ang mga taong bumubuo ng produksyon.

Pero may nakikitang maganda rito ang mang-aawit, mas lalo raw kasi nilang mapaghahandaan ang pagtatanghal.

Io-honor naman daw ang mga nakabili na ng tickets. Ang bagong petsa nito’y hindi pa masabi hangga’t hindi pa ganap na namo-monitor ang health condition ni Regine. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •