Regine, ‘tinadyakan at sinampal’ si Ogie!

Regine, ‘tinadyakan at sinampal’ si Ogie!

January 29, 2022 @ 1:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Marami ang naaliw sa pagbisita ni Regine Velasquez sa live taping ni Ogie Alcasid ng “It’s Showtime” kung saan isa ang mister niya sa mga host.

Habang ini-interview ng OPM icon ang isang contestant sa segment nitong “Showtime Sexy Babe”, hindi napigilan ni Ogie na makipaglandian sa naturang sexy babe.

Tinawag pa niya itong ‘darling’ na sinita naman ni Vice dahil dati rati raw ay anak ang tawag ng singer-composer sa ibang contestants.

Pinaglaruan din ni Ogie ang pangalan ng contestant na “Manika” at naisingit nito ang jokes tungkol sa ‘mani’ na madalas na inihahanda sa mga pulutan.

Dito na umentra si Regine at kinumpronta ang mister na si Ogie.

Sinita nito ang pagtawag ni Ogie na ‘darling’ kay Manika.

Panggagatong pa ni Vice, inaaya raw ni Ogie na makipag-inuman sa kanya ang contestant.

Hirit ng Asia’s Songbird, malapit na raw mag-Valentine’s pero ang sakit daw na may ibang tinatawag na ‘darling’ at nilalandi ang kanyang asawa.

Sey naman ni Ogie, loyal daw siya sa kanyang misis kaya nito inalo si Regine.

Giit naman ni Regine, hindi raw siya mahu-hurt kung ibibili siya ng Hermes ng It’s Showtime host.

Sinundan naman ni Ogie si Regine sa  hallway na nagmamadaling umalis.

Doon, tinadyakan at sinampal ng Songbird ang mister at itinulak pasakay ng van nila.

Marami naman ang naaliw sa ginawang eksena ng mag-asawang singer. Archie Liao