Regine Tolentino bagong ambassadress ng ‘BIDA ang May Disiplina’ 

Regine Tolentino bagong ambassadress ng ‘BIDA ang May Disiplina’ 

September 16, 2020 @ 8:20 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinalaga bilang bagong ambassadress ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang aktres at dancer na si Regine Tolentino para  kampanya ng pamahalaan na ‘BIDA ang May Disiplina’.

Pormal nang ipinakilala ng pamahalaan sina Tolentino at makakasama niya ang iba pang ambassadors na sina Diether Ocampo, Jiggy Manicad, at Paolo Bediones, gayundin si Alden Richards, na siya namang BIDA Solusyon Ambassador ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa pagsusumikap nilang magkaroon ng positive behavior change para masugpo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay lumagda ang DILG at ang DOH ng partnership sa pribadong sektor at mga celebrity ambassadors ng BIDA ang May Disiplina: Solusyon sa COVID-19 national advocacy campaign.

Kumpiyansa si Año na ang pakikiisa ng pribadong sektor at mga celebrities sa kanilang kampanya ay malaking tulong upang mapalakas pa ang naturang proyekto at mahikayat ang mga mamamayan na magkaroon ng disiplina sa sarili, partikular na ngayong mayroong mga ulat ng sinasadyang labagin ang minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa COVID-19, at ipinagyayabang pa ito sa social media.

“Ang laban sa COVID-19 ay laban nating lahat hindi lamang ng pamahalaan. Napakalaking bagay na tinutulungan tayo ng mga pribadong sektor at ng mga kilalang aktor at artista sa ating hangarin na hikayatin ang mga Pilipino na makiisa kontra COVID-19 sa pamamagitan ng disiplinadong pagsunod sa minimum health standards at iba pang mga alintuntunin,” ayon kay Año.

“Sa mga pasaway at walang disiplina, maniwala kayo, hindi biro ang COVID-19 kaya mas mainam na sumunod po kayo sa mga tagubilin ng mga doktor at expert,” saad pa ng kalihim

Dagdag ng DILG chief, ang landmark signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa “BIDA ang May Disiplina: Harnessing Private Sector Support to Defeat COVID-19” ay isinagawa kasama ang private sector entities. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...