Regional MARPOLEX 2022, naging matagumpay

Regional MARPOLEX 2022, naging matagumpay

May 27, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natapos na at naging matagumpay ang Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 na isinagawa sa Makassar, Indonesia kung saan nakibahagi ang barko ng Pilipinas.

Sa closing ceremony ngayong Biyernes, pinasalamatan ni Makassar Mayor Petahana Danny Pomanto ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa pakikibahagi sa naturang misyon kasama ang Directorate General for Sea Transportation (DGST) ng Indonesia para maitaguyod ang marine environmental protection.

Sinabi ni Pomanto na malaking tulong ang  naturang joint maritime exercise para masigurong maiiwasan ang insidente ng oil spill at maibibigay ng DGST ang serbisyong kinakailangan ng Makassar na malapit sa Sulawesi Archipelagic Sea Lane, isang major sea lane para sa national at international shipping operations.

Sentro sa closing ceremony ng Regional MARPOLEX 2022 ang pagbababa ng mga watawat ng Pilipinas, Indonesia, at Japan.

Sinundan ito ng pirmahan ng “joint declaration for the temination of the exercise” na pinangunahan ng mga Exercise Co-Directors na sila CG Rear Admiral Robert Patrimonio (PCG), Captain Weku Frederik Karuntu (DGST Indonesia), at Rear Admiral Hashimoto Masanori (JCG). Jocelyn Tabangcura-Domenden