Regional office sa bawat rehiyon target ng DMW

Regional office sa bawat rehiyon target ng DMW

September 9, 2022 @ 2:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Upang matiyak ang mabilis na aksyon sa pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers(OFW) target ng Department of Migrant Workers na magtayo ng regional offices sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Sa budget briefing ng House Appropriations Commitee sinabi ni DMW Undersecretary Maria Anthonette Allones na 3 malalaking regional offices ang itatayo sa NCR, Cebu at Davao na may 100 empleyado, maglalagay din ng medium offices na may 91 na personnel at small regional offices na may 41 tauhan.

“We will establish regional offices in all the regions, so maganda po ito madedecentralize po yung services,”paliwanag ni Allones.

Nilinaw din ni Allones na walang mawawalan ng trabaho sa mga kawani ng DOLE kasabay ng pagkakatag ng DMW, sa katunayan nasa 1728 na posisyon ang inaprubahan ng DBM para sa ahensya.

Nasa 700 ang kasalukuyang empleyado ng DOLE ang kukunin at may 800 pang kukuning bagong empleyado.

“Walang displacement na mangyari. So we assure you po that we will adhere to the provisions of RA 6656 which is the reorganization law in rolling out the placement of our existing personnel so all the merged agencies we will take care po of their respective employees,” pagtatatapos pa ni Allones. Gail Mendoza