Regional top level drug personality ng NCR, iba pa tiklo sa QC buy-bust

Regional top level drug personality ng NCR, iba pa tiklo sa QC buy-bust

October 12, 2021 @ 1:19 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila – NALAMBAT ng Quezon City Police District ang isang nakalista na Regional Top Level  drug personality ng National Capital Region kabilang na ang kasama nito matapos na kumagat sa buy-bust operation kaninang madaling araw (October 12) sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina Manuel  Fernandez, alyas Bok, 42 anyos, nasa listahan ng NCRPO, residente ng  19 Ragang St. Brgy. Manresa, Q.C. at Randy Abellon, 32,  factory worker, nakatira sa 123 Panalturan St. Brgy. Manresa, Q.C.

Base sa ulat ng Masambong Police Station 2, dakong 3:45 ng madaling araw nang isagawa ang drug operation sa

harap ng Sergio Osmenia High School na matatagpuan sa  G. Araneta Ave. corner Del Monte Ave. Brgy. Masambong, Q.C.

Isang pulis ang.bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska sa dalawa ang 10 plastic sachet ng shabu na naglalaman ng 50 grams at nagkakahalaga ng P340,000, isang belt bag gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •