‘Register anywhere’ titestingin ng Comelec

‘Register anywhere’ titestingin ng Comelec

October 6, 2022 @ 9:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na sisimulan na nito ang pilot testing sa “Register Anywhere” system sa Metro Manila, na nagpapahintulot sa publiko na magparehistro sa mga lugar maliban sa kanilang tirahan.

Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa isang pahayag matapos magsagawa ng regular na pagpupulong ang Comelec en banc.

“This ‘Register Anywhere’ system will provide our registrants the convenience of registering in a mall of their choice (during the pilot test, within the NCR) where an offsite or satellite registration is being held, even if said mall is located in a city or municipality other than their city or municipality of their residence,” sabi ni  Laudiangco.

Sa pamamagitan ng sistema, maglalagay ang Comelec ng dalawang set ng registration booths sa satellite Comelec sites, isa para sa mga aplikante na residente ng lungsod o munisipalidad at isa para sa hindi residente.

Ang mga pangalan ng mga nagparehistro ay patuloy na ipapaskil sa Office of the Election Officer na may hurisdiksyon ng lungsod o munisipalidad ng kanilang tirahan, at ng kanilang mga barangay, bilang pagsunod sa kinakailangan ng pampublikong abiso.

“In the same manner, the Election Registration Board (ERB) having jurisdiction of the registrant/applicant’s residence shall still have the exclusive and original power to hear all such applications under the “Register Anywhere” system, including hearing oppositions thereto and the receive evidence for or against the registrant/applicant,” sabi pa ni Laudiangco.

Nauna nang sinabi ng Comelec na ang voter registration ay muling bubuksan sa Nobyembre 2022 pero sa sandaling  isapinal ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataang  Elections o BSKE elections na itinakda sa Disyembre 5,2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden