REGISTERED OWNER RULE

REGISTERED OWNER RULE

August 8, 2022 @ 9:21 AM 2 months ago


HINDI pwede gamitin na basehan ang registered owner rule para ipataw sa registered owner ang multa ng  ‘No Contact Apprehension Policy’ traffic violation kung iba ang driver.

Sa isang news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- Quezon City Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa NCAP ang Registered Owner Rule.

With due respect, ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente at hindi kapag traffic violation.

The registered-owner of the vehicle rule means that the registered owner of any vehicle even if not used for public service would primarily be responsible to the public or to other persons “for injuries caused by the later while the vehicle is being driven on the highway or streets.”

– Erezo vs Jepte

G R. L9605

Supreme Court decided case.

Ibig sabihin  kapag may aksidente at may injury sa ibang tao, natural may liability ang registered owner kahit hindi siya ang driver. Pero hindi sa traffic violation.

Kapag sinuri natin mabuti ang sabi ng Korte Suprema mananagot lamang ang registered owner sa publiko kung may sakuna kapag ang sasakyan ay minamaneho ng iba sa lansangan.

Kung hindi tumatakbo ang sasakyan tulad ng naka park lang ito hindi maga-apply ang registered owner rule. Tulad ng mga natikitan ng ‘no parking’ na mga sasakyan hindi maa-apply ang registered owner rule dahil ang sabi ng Supreme Court’ while the vehicle is being driven on the highways and streets.

Kaya with due respect pañero na taga-QC Hall hindi  ako sang-ayon sa sagot mo sa interview  sa iyo sapagkat malayo ito sa totoong nakasaad sa batas na sinusunod ninyo.

oOo

Atty. Ariel Inton

President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09178174748