Registered SIM, lampas 40M na

Registered SIM, lampas 40M na

March 7, 2023 @ 2:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit isang buwan bago ang deadline para sa SIM registration, sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na halos 40 milyong users ang nakapagrehistro na ng kanilang SIMs.

Sinabi ng DICT na hanggang nitong March 5, may kabuuang 40,498,324 subscribers ang rehistrado na sa sistema, na 23.97% ng 168,977,773 milyong SIM users sa buong bansa.

Batay ito sa datos ng public telecommunications entities (PTEs) Smart Communications Inc. (20,630,475), Globe Telecom Inc. (16,788,804), at DITO Telecommunity Corp. (3,079,045).

Hinikayat ni DICT Undersecretary at spokesperson Anna Mae Yu Lamentillo ang subscribers na iparehistro ang kanilang SIMs para makaiwassa user traffic sa paglapit ng April 26 deadline.

“We still have 51 days. We are encouraging subscribers and end-users of our local PTEs to register as the deadline is fast approaching. To avoid user traffic and to ensure a hassle-free process, registering as soon as possible is a must,” aniya.

Umarangkada ang SIM registration noong Dec. 27, 2022 alinsunod sa batas. Kapag hindi nairehistro ang SIM bago sumapit ang April 26, made-deactivate ito. RNT/SA