Regular na neuro-psych tests sa lahat ng tauhan ng PNP isinusulong

Regular na neuro-psych tests sa lahat ng tauhan ng PNP isinusulong

June 3, 2021 @ 6:24 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Philippine National Police ang rekomendasyong magkaroon ng regular na neuropsychiatric tests ang lahat ng tauhan ng organisasyon sa pagdami ng insidente ng pamamaril ng mga pulis ng mga sibilyan.

“The PNP will study this recommendation of subjecting our personnel to regular psychiatric assessments or tests…However, I would also have to admit the limitations, at present, in our healthcare capacities and services,” pahayag ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar.

Hahanap din ng paraan ang PNP upang maging upang maging available ang test sa lahat ng tauhan nito.

Makikipagtulungan din anila sa mga organisasyon sa institusyon at pasilidad para sa kahalagahan ng mental health.

Kamakailan, namaril ng isang babaeng sibilyan si Police Master Sergeant Hensie Zinampan sa Quezon City habang nitong nakaraang taon walang habas ding binaril ni Jonel Nuezca ang mag-inang kapitbahay nito.

Sinabi rin ng PNP chief na ang neuropsychiatric tests ay mandatoryo lamang sa promosyon ng isang pulis at requirement sa school.

Sa kaso ni Zinampan, kinokonsidera ni Eleazar ang psych test.

“Until then, our police commanders who observe signs of emotional imbalance or mental disorder on their men should immediately refer them for neuro-psychiatric evaluation, through their respective health units,” saad ni Eleazar.

“This way we can help them cope and heal and avoid being a danger to themselves and others,” dagdag ng opisyal. RNT/ELM