Regular RT-PCR testing, COVID vax isinusulong ng PH Red Cross

Regular RT-PCR testing, COVID vax isinusulong ng PH Red Cross

December 12, 2021 @ 3:48 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Upang labanan ang coronavirus disease (COVID-19), partikular na sa nalalapit na kapaskuhan, isinusulong ng Philippine Red Cross (PRC) ang regular reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing at COVID-19 vaccination.

“We are at war against COVID-19.We must ensure that you are tested regularly and are fully vaccinated before we go into a celebration with our families. Mag practice tayo ng health protocols upang maiwasan ang hawaan,” ani PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard “Dick” Gordon nitong Linggo.

Pinaalalahanan din ni Gordon ang publiko na manatiling mapagbantay laban sa Omicron variant. 

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards kagaya ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, at pagsunod sa social distancing “despite the decreasing number of cases” sa bansa.

Sa kasalukuyan ay aabot na sa 5,040,454 RT-PCR tests ang naisagawa ng PRC. Gayundin, nakapagbakuna na ito ng mahigit 736,297 indibidwal sa pamamagitan ng 25 Bakuna Centers at Bakuna Buses na itinalaga nito sa buong bansa.

Sa kabila ng naabot ng PRC, nangako ito na ipagpapatuloy ang laban sa virus “until the country beats COVID-19.” RNT/SA