Regular status ng manggagawa ‘di dapat mawala – DOLE chief

Regular status ng manggagawa ‘di dapat mawala – DOLE chief

August 10, 2020 @ 11:55 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi papayagan ang mga kompanya na tanggalin angregular employment status ng mga manggagawa dulot ng coronavirus pandemic, ayon sa labor department.

“May mga pailan-ilan na natatanggap naming report. Pero hindi puwede iyon… Hindi puwede iyong sabihin mong hindi ka na regular employee, kontrata ka na lang,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa kabila nito, dapat na lang magpatupad ng flexible work arrangement upang mabawasan ang bilang ng araw ng empleyado sa pagpasok.

Samantala, mandatoryo naman ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga kompanyang magsasara dulot ng bankruptcy. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...