Regulasyon ng Comelec sa online campaigns pinuri

Regulasyon ng Comelec sa online campaigns pinuri

July 13, 2021 @ 8:55 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng ilang mambabatas ang regulasyon ng Commission on Elections ukol sa online campaign para sa susunod na eleksyon.

“It’s about being officially a candidate which is upon filing of the COC (certificate of candidacy). That’s fair to everybody, especially those who have less campaign funds to use for campaign ads,” pahayag ni Senator Panfilo Lacson.

“Definitely a welcome development since it won’t put the administration candidates at an advantage since they are always presumed to have more than enough resources at their disposal,” dagdag ng senador.

Tinawag naman ni Senate President Vicente Sotto III ito na “good move” dahil magiging “straitjacketed” ang pangangampanya online ng ilang kandidato.

Nagbabala naman si Senator Imee Marcos sa Comelec na ang pagdedeklara ng social media expenses sa COC filing ay “violation of existing laws and jurisprudence.”

“The campaign period is very well-defined, which is 90 days from the day of election for national candidates and 45 days for local candidates. The SC also decriminalized premature campaigning,” paliwanag ni Marcos.

“To consider expenses of those who filed COC in October is to say that they are already candidates, which is not the intent of our laws &  may have serious implications later on,” saad pa ng senador.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na gagawa ng panuntunan ang komisyon upang ma-compute ang gastos sa social media advertisements bilang pangangampanya.

Dahil sa pandemya, bawal ang mga mass gathering kaya’t maaaring social media ang magiging paraan ng pangangampanya sa susunod na eleksyon. RNT.ELM