Regulasyon sa ops ng motor-for-hire oks na sa huling pagbasa – House

Regulasyon sa ops ng motor-for-hire oks na sa huling pagbasa – House

January 31, 2022 @ 7:08 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Kamara ang regulasyon ng operasyon ng  motorcycles-for-hire.

Nakamit ng House Bill 10571 o ang proposed Motorcycles-for-Hire Act, ang 189-0-0 plenary vote.

Nakasaad dito na maaaring gawing ‘for-hire’ basis ang mga motorsiklong rehistrado.

Mandato rin dito ang rehistrasyon ng mga motorsiklo sa Land Transportation Office (LTO) bago sila sumalang sa kalsada.

Samantala, inatasan naman na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa tulong ng local government units na isyuhan ito ng prangkisa.

Sila rin ang naka-assign sa pagtatakda ng pamasahe, surcharges, at iba pang transportation fees na kakailanganin. RNT/FGDC