Regulasyon sa pagbebenta ng ‘wang-wang’ hirit ng PNP-HPG

Regulasyon sa pagbebenta ng ‘wang-wang’ hirit ng PNP-HPG

July 10, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inirekomenda ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang regulasyon ng pagbebenta ng emergency vehicle sirens o “wang-wang,” at blinkers upang maiwasan ang pag-abuso. https://www.senpaisquad.net/

Sinabi ni PNP-HPG Director Police Brigadier General Francisco Marbil na ipinagbabawal lamang sa batas ang paglalagay ng sirens at blinkers sa mga hindi awtorisadong sasakyan subalit hindi ang pagbebenta ng mga ito.

“I hope it will be part ng legislative natin for this incoming Congress na mai-regulate na talaga ang blinkers and sirens [to allow] enforcement agencies natin to control it every year,” aniya.

“Not because may weakness sa enforcement natin but may problem sa batas natin. Batas po ang problema,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 96 na inilabas ni late President Ferdinand Marcos Sr., hindi pinapayagan ang mga motorista na gumamit ng emergency devices kabilang ang blinkers at dome lights.

Pinapayagan lamang ang mga kagamitang ito sa ambulansya, fire trucks, at para sa mga tauhan ng PNP, militar, National Bureau of Investigation, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board tuwing may emergency.

Maaari rin itong gamitin ng top 5 officials ng bansa– President, Vice-President, Senate President, House Speaker, at Chief Justice.

Nagbabala naman si Marbil sa mga lalabag na pagmumultahin ng P5,000 at maaaring masamsam ang lisensya. RNT/SA