Regulasyon vs paputok, mas hihigpitan ng Senado – Dela Rosa

Regulasyon vs paputok, mas hihigpitan ng Senado – Dela Rosa

February 23, 2021 @ 4:19 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Roland “Bato” Dela Rosa na mas hihigpitan ng Senado ang regulasyon sa pagbebenta, pagmamanupaktura at paggamit ng anumang uri ng paputok upang mas  maging epektibo ang umiiral na batas.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni Dela Rosa sa kabila ng pagkakaroon ng ilang mga panukalang batas na may title na “total ban”, ay wala pong panukala na nakasalang ngayon na naghihimok na tuluyang ipagbawal ang paggawa, pagbebenta o paggamit ng paputok.

Kasunod nito, ipinakita ni Dela Rosa sa komite ang ilang larawan ng mga doktor at nars sa mga pagamutan na gumagamot sa  mga  biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon kabilang ang mga bumero na inaapula ang sunod sanhi ng paputok.

“Ilan lamang ito sa mga karaniwang napapanood natin sa balita sa tuwing nalalapit na ang Bagong Taon – mga abalang doctor at nurse sa ospital at mga pasyente na biktima ng paputok; kaliwa’t kanang sunog sa mga kabahayan na sanhi ng mga bawal na paputok,”ayon kay Dela Rosa.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit naisabatas ang Republic Act 7183. “It was enacted to regulate the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnic devices to ensure public safety, as well as for the ‘enhancement of cultural traditions’.”

“While this may be a good piece of legislation, there have been several appeals to Congress to revisit the twenty-eight (28) year old law, that it should effectively serve its purpose. Public health, public safety and environmental issues surround the proposed amendments to the law,” ayon kay Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na noong unang taon ni Pangulong Duterte sa Palasyo, ipinalabas ang Executive Order No.28 na pinapayagan ang paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices sa inilaan ng lugar ng local government units (LGUs) na pamumunuan lamang ng sanay at propesyunal.

 “It is noticeable that with the initial implementation of EO 28, there was a significant 68% decrease of firecracker incidents in the country, compared to the same period of the preceding year,” ayon kay Dela Rosa.

“The latest report of the DOH states that with the 85% decrease in fireworks-related injuries for 2021, the age range of those injured as a result of firecracker incidents was between four to fifty three (4-53) years old. What is disturbing is that the most affected age group is between 10 to 14 years old. Gusto ba natin pahawakin ng paputok ang mga bata? Aantayin pa ba natin na isa sa ating mga anak o kapamilya ang maging biktima ng mga paputok?,” giit pa niya.

Aniya,isusulong ng komite ang ang zero injuries at zero casualties sa paputok tuwing sasalubungin ng Bagong Taon.

“On the other hand, we are not discounting the role of firecrackers and other pyrotechnic devices in our Filipino tradition of celebration and festivities. Kaya naman po, ang mga panukala natin sa araw na ito ay nagmumungkahi na magkaroon ng designated place at trained individuals na magpapaputok nang ligtas. Katulad po ito ng taunang ginaganap na Philippine, International Pyromusical Competition na sinasalihan ng major fireworks makers galing sa iba’t ibang bansa,”ayon kay Dela Rosa.

Iginiit pa ni Dela Rosa na habang isinusulong ng komite ang epektibong regulasyon sa paggamit ng paputok  at iba pang pyrotechnic device, hindi dapat kalimutan ang mga manggagawa na nakadepende sa pagbebenta nito.

“Napapanahon na ba para mas pagyabungin ang ating fireworks industry upang tayo ay maging exporter kasama ng China at Brazil? Alternatively, ang DOLE, TESDA, DTI at iba pang ahensya ng gobyerno ay dapat makapaglaan ng programa para sa ating mga kababayang maaaring maapektuhan ng pinaigting na regulasyon,” aniya.

“Given that we are still battling the COVID-19 pandemic, there is no piece of legislation too small, if it means safeguarding the health and well-being of our people. After all, it is our mandate to ensure that all Filipinos are safe and healthy,”giit ng senador.

Idinagdag pa ni Dela Rosa na pinapayagan at inirerespeto ng ating pamahalaan ang paniniwala at tradisyon basta may kaakibat na kaligtasan at hindi taliwas sa pampublikong patakaran.

“However, if there comes a time that some aspects of these traditions and customs become harmful, it would be fitting for our government to step in,” ayon sa senador.

“All human beings want to find their place under the sun. In the same way, the government would want all of its people to be accommodated and be given a safe place to exist and co-exist. Today, we would like to settle issues and differences and hopefully find an equitable space for all, be it a person doing business or a person just wanting to be safem,” giit niya. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •