Rehistrasyon ng edad 12-17 na gustong magpabakuna, umarangkada na sa Pateros

Rehistrasyon ng edad 12-17 na gustong magpabakuna, umarangkada na sa Pateros

September 7, 2021 @ 10:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Sa mga susunod na araw ay sisimulan na ng munisipalidad ng Pateros ang pagrerehistro ng mga magpapabakuna ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine na mga nasa edad 12 hanggang 17.

Ito ay napag-alaman kay Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na nagsabing ang pagpaparehistro ng mga kabataan para sa kanilang baksinasyon ay bunsod sa pag-apruba ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng Moderna vaccine para sa kanilang grupo ng edad.

Matatandaan na nagpasa ng amendment ang Moderna sa FDA para sa pag-apruba sa paggamit ng emergency use authority (EUA) na inisyu noong Mayo na dating orihinal na pinayagan ang pagtuturok ng vaccine sa 18-taong gulang pataas.

Sa live broadcast sa kanyang Facebook page, sinabi ni Ponce na ang bagong QR code para sa pagpaparehistro ang eksklusibong gagamitin para sa 12 hanggang 17 anyos na mga kabataan ng munisipalidad.

“We will do this once the Moderna or Pfizer vaccine becomes available, which we can give to them,” (Gagawin naming ito kapag ang Moderna o Pfizer ay maging available, na aming ibibigya sa kanila) ani Ponce.

Kapag ang mga ito ay nakapagparehidstro na, sinabi ni Ponce na maghihintay na lamang ang mga ito ng text message na galing sa munisipalidad ng iskedyul ng kanilang baksinasyon.

Bagama’t pinayagan na ng gobyerno ang pagbibigay ng bakuna sa nabanggit na mga edad ay depende pa rin ito kung may vaccine na available at bilang isang batas ay kailangang samahan ng magulang ang kanilang mga anak sa pagtungo sa vaccination centers.

Dagdag pa ni Ponce kailangan pa rin ng mga magulang na pumirma ng consent na magpapatunay na sila ay pumapayag na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga anak.

Matatandaan na noon lamang Setyembre 3 ay sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na inaprubahan na ng kanilang ahensya na maturukan ng Moderna vaccine ang mga nasa edad 12 hanggang 17.

Nalampasan na ng 100 porsiyento ng Pateros ang target population na 56,000 sa pagbibigay ng unang dose ng bakuna na may 70 porsiyento, at 39,200 para naman sa mga nakatanggap ng ikalawang dose o fully vaccinated na mga indibidwal noong Agosto 30.

Dahil dito ay itinaas ng munisipalidad ang kanilang target population ng hanggang 80 porsiyento o katumbas ng 56,000 indibidwal sa kabuuang populasyon ng munisipalidad na 70,000. James I. Catapusan