Reina Mae Nasino pinayagang makapagpyansa

Reina Mae Nasino pinayagang makapagpyansa

December 13, 2022 @ 6:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinagbigyan Manila court ang petisyon para makapaglagak ng piyansa si Reina Mae Nasino, na kilala bilang ina ng nasawing bagong silang na si baby River matapos na magkahiwalay ang dalawa.

Sa utos ng Regional Trial Court Branch 47 sa Lungsod ng Maynila, pinayagang makapagpiyansa sina Nasino, at iba pang akusado na sina Ram Carlo Bautista at Alma Moran.

Sina Nasino at Moran ay maaaring magkaroon ng pansamantalang kalayaan kung makapaglalagak ng hiwalay na pyansa na P300,000 at P120,000 o P420,000; samantalang si Bautista ay kailangang magbayad ng piyansang halaga na P300,000, P120,000, at P150,000 o P570,000.

Sinabi ng korte na naaprubahan ang petisyon ng piyansa dahil nabigo ang prosekusyon na magbigay, sa puntong ito sa legal na paglilitis, ng matibay na ebidensya laban sa tatlo.

Si Nasino ay isa sa ilang mga aktibista na inaresto sa search operations ng iba’t ibang non-government organizations’ offices noong 2019. Nang arestuhin si Nasino dahil sa illegal possession of firearms at explosives, hindi niya alam na isang buwan na siyang buntis.

Pagkatapos ay ipinanganak niya si River noong Hulyo. Ang kanyang mga kahilingan, pansamantalang palayain o payagan si River na manatili sa loob ng Manila City Jail para maalagaan siya, ay hindi pinagbigyan ng korte.

Ang kaso ni Nasino ay umani ng atensyon matapos subukan ng kanyang kampo na makiusap sa korte na payagan siyang bisitahin ang kanyang anak na may sakit, na nagpakita ng mga sintomas ng COVID-19. RNT