Rekisitos na selfie sa SIM registration, kinuwestiyon ng grupo

Rekisitos na selfie sa SIM registration, kinuwestiyon ng grupo

December 28, 2022 @ 3:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ng grupo nitong Miyerkules ang selfie verification sa SIM registration, na huli nang idinagdag sa proseso.

“Wala sa batas at wala sa implementing rules and regulation (IRR) ‘yung selfie verification,” ani Digital Pinoys National Campaigner Ronald Gustilo. “We think this additional requirement is questionable, nilalabag n’ya ‘yung privacy ng individual and at the same time tingin namin talagang isa ito sa mga nagdulot ng glitches sa first day.”

Sa unang araw ng SIM registration nitong Masrtes, nahirapan ang subscribers ng Globe at Smart sa porsesp dahil sa server issues.

Inihayag din ng  Globe na kinailangang nilang i-take down ang registration website upang isana sa registration process ang pagsusumite ng selfie, na rekisitos ng pamahalaan upang beripikahin ang impormasyon ng subscriber.

Nakasaad sa IRR states na dapat isumite ng end-users ang kanilang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, address, at ID sa public telecommunications entities (PTE) upang mairehistro ang kanilang SIM.

Sinabi ni Gustilo na dapat ipaliwanag ng mga awtoridad ang karagdagang selfie requirement dahil sapat na umano ang IDs bilang pruweba ng pagkakakilanlan ng user.

Binanggit ni DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano ang probisyon sa ilalim ng IRR na nananawagan sa telecommunication companies “to include processes to verify the submitted information and data, subject to the applicable provisions of the Data Privacy Act, its IRR, and other relevant issuances of the National Privacy Commission.”

Idinagdag niya na hindi labag ang selfie requirement sa privacy ng users dahil mahalaga ito upang tiyakin na ang isinumiteng datos ay totoo.

“Although the law itself imposes hefty penalties including imprisonment if you give false information, it is also important for the PTEs to have an initial line of defense to verify,” ani Tamano.

“Good initiative” run umano ito dahil sa kawalan ng full National ID system sa bansa na nakapagpabilis sana sa proseso, dagdag ng DITO executive. RNT/SA