Rekisitos sa pagbyahe, nakadepende pa rin sa LGUs – IATF

Rekisitos sa pagbyahe, nakadepende pa rin sa LGUs – IATF

July 9, 2021 @ 4:09 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nananatiling nasa diskresyon ng lokal na pamahalaan kung ang isang domestic travelers ay kailangang sumailalim sa RT-PCR testing o mag-presenta na lamang ng kanilang vaccination proof.

Ito ang binigyang linaw ng inter-agency task force matapos ang ilang pagkalito sa ilang protocols.

Nauna nang sinabi ng IATF na ang mga naka-kompleto na ng bakuna ay maaaring ipakita ang kanilang inoculation card o quarantine certificate sa halip na negative swab test result kapag ba-byahe domestically.

Gayunman, sinabi naman ng ilang LGUs na nabigo ang task force na sila’y konsultahin at tinukoy na may iba’t ibang lugar ang gumagamit ng iba-ibang vaccination cards.

Sa pulong ng IATF, araw ng Huwebes ay nilinaw nito na maaaring tumanggap ang local government units ng COVID-19 vaccination card o certificate of quarantine completion bilang alternatibo sa RT-PCR testing, “which the local government may require.”

“This means that LGUs retain the discretion in requiring RT-PCR testing or accepting duly issued COVID-19 vaccination cards for allowed interzonal travel,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 “These vaccination cards shall be sufficient proof of vaccination and any individual who shall present forged and/or falsified vaccination cards shall be dealt with in accordance with the law,” dagdag na pahayag nito.

Binigyan naman ng IATF ang lokal na pamahalaan ng kalayaan pagdating sa requirement para sa mga byahero “because they will make their own risk assessment, being the local chief executives of their respective jurisdictions,” ayon kay task force chairperson at Health Secretary Francisco Duque III.

Sa ulat, nakapagtala ang Pilipinas ng 1.4 million coronavirus cases, itinuturing na “second highest tally” sa Southeast Asia, sumunod sa Indonesia.

Layon ng mga awtoridad na bakunahan ang 58 hanggang 70 milyon ng 109 milyong populasyon paa ligtas na mabuksan ang ekonomiya ng bansa.

Tinatayang may 3 milyong filipino na ang fully inoculated laban sa COVID-19, habang 9 milyon naman ang nakatatanggap pa lamang ng kanilang one vaccine dose.