Reklamo ng PH sa SEAG kumpiyansang matutugunan

Reklamo ng PH sa SEAG kumpiyansang matutugunan

May 23, 2022 @ 11:15 AM 1 month ago


NANINIWALA si Philippine Sports Commissioner at Hanoi SEA Games chef de Mission Ramon Fernandez na susulusyunan ng organizers ng 31st Southeast Asian Games ang mga inilapit nilang mga reklamo.

Ayon kay Fernandez, normal lamang na makaranas ng reklamo mula sa mga atleta tuwing may ilang mga torneo.

Sinabi ni Fernandez na ilan sa mga reklamong naiparating nila sa SEAG organizers ay ang kawalan ng koordinasyon sa kanilang hotel, ang kakulangan ng sasakyan na masakyan ng mga atleta papunta sa mga playing venues at ang pagsisiksikan nila o pag-overload ng mga ito sa isang bus na pinangangambahang magkahawaan ng COVID-19.

Dahil sa kawalan ng social distancing at pagsisiksikan sa mga masisikip na sasakyan, kaya araw araw silang dumaraan sa antigen test.