Reklamo vs delayed PhilHealth contribution ng PPSC, ihahain ng COA

Reklamo vs delayed PhilHealth contribution ng PPSC, ihahain ng COA

October 3, 2022 @ 3:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) ang paghahain ng reklamo laban sa mga opisyal ng Philippine Public Safety College (PPSC) dahil sa delayed remittance ng premium contributions sa PhilHealth sa mga kadete at empleyado nito mula 2016 hanggang 2020.

“PhilHealth premium contributions totaling P38.598 million, covering the period from December 2016 to November 2020, were not properly remitted due to poor internal control and failure of responsible officers to timely take appropriate action, contrary to Section 18b, Title III, Rule III of Republic Act No. 7875, thereby incurring penalties of P29.712 million,” ayon sa COA report.

Dagdag pa rito, noong 2021 umano ay nagbayad pa ng karagdagang penalty ang PPSC na nagkakahalaga ng P8.521 milyon.

Sinabi pa ng chief accountant ng PPSC sa audit team ng COA na sinusunod nila ang patakaran ng pagbabayad ng premium contributions sa PhilHealth ngunit napag-alaman sa personal verification sa PhilHealth noong Nobyembre 5, 2020 na “delayed” o “overdue” na ang mga accounts ng mga miyembro nito at ang iba pa ay hindi na updated ang membership records.

“It was admitted by the concerned personnel that she failed to remit the premium contributions when the bank refused to accept the check payment, allegedly due to the implementation of the PhilHealth electronic filing system,” ayon pa ulat.

“Accordingly, due to the complexities encountered brought about by the new system, she was not able to remit the premium contributions since then,” dagdag pa rito.

Idiniin rin ng COA na bunsod ng kapabayaan ang palyadong pagbabayad ng premiums.

“The penalties imposed by PhilHealth due to non-remittance are the result of gross negligence and inefficiency of the concerned officers and/or employees. Hence, the government must not bear the burden of paying it, in consonance with the fundamental principle that government funds or property shall be spent or used solely for public purposes,” pagdidiin ng ahensya sa report. RNT/JGC