Reklamo vs ‘kidnappers’ agad na aaksyunan ng DOJ

Reklamo vs ‘kidnappers’ agad na aaksyunan ng DOJ

August 31, 2022 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules na agad nitong aaksyunan ang mga reklamo hinggil sa mga suspek sa umano’y kidnapping incidents kapag inendorso sa ahensya.

Sinabi ni Justice spokesperson Atty. Mico Clavano na iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga kaso.

“So hinihintay namin ‘yung resulta nung investigation at kung may nahuling suspect or meron tayong nakitang suspect at i-e-endorse ito sa DOJ, aaksyonan namin agad ‘yun,” sabi niya sa isang public briefing.

Inilahad pa ni Clavano na iniutos ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. hang imbestigasyon sa mga sasakyan na may improvised plate numbers.

Sa bahagi naman ng DOJ, nagkasa rin ng ahensya ng imbestigasyon sa mga ninakaw na sasakyan.

“Sa ngayon pa lang, ine-investigate pa ‘yan ng PNP at sa alam ho namin, si PNP chief Azurin has already ordered the investigation of those vehicles na wala hong plaka or improvised po ang plaka,” aniya.

“And meron din tayo investigation na ginagawa para doon sa mga stolen vehicles kasi maari ho na ito ‘yung mga vehicles na ginagamit doon sa mga kidnapping,” dagdag ni Clavano. RNT