Rekomendasyon ng blue ribbon panel sa sugar import mess, inaprubahan ng Senado

Rekomendasyon ng blue ribbon panel sa sugar import mess, inaprubahan ng Senado

November 8, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senadoang mga rekomendasyon ng blue ribbon committee sa sugar import mess.

Sa sesyon ng plenaryo, gumawa ng mga amendment si panel chairperson Senator Francis Tolentino sa Committee Report No. 3 na hindi tinutulan ng sinomang Senador.

Noong Setyembre, inirekomenda ng blue ribbon committee na magsampa ng kaso laban sa apat na opisyal ng Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration (SRA) para sa kanilang diumano’y pagkakasangkot sa nasabing kaguluhan.

Kabilang dito sina suspended Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica, at SRA board members Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr.

Ang mga kaso na inirekomendang isampa laban sa mga opisyal ay:

  • one count for a violation of Section 3A of Republic Act No. 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act

  • one count for a violation of Section 3E of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act

  • one count for a violation of the provisions of Republic Act No. 10845 or the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016

  • one count of usurpation of official functions defined and penalized under Article 177 of the Revised Penal Code

Samantala, naghain ng hiwalay na ulat ang Senate minority bloc, na binubuo nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senator Risa Hontiveros.

Sa ilalim ng mga natuklasan ng minority bloc sa problema sa pag-aangkat ng asukal, si dating Executive Secretary Vic Rodriguez ay “not entirely blameless” sa isyu dahil mayroon siyang diumano’y pagkukulang.

Sinabi rin ng mga senador ng oposisyon na ang mga kaso laban sa apat na opisyal ay “kulang sa factual at legal basis.”

Ang Senate blue ribbon committee ay naglunsad ng pagsisiyasat sa gulo sa pag-aangkat ng asukal pagkatapos ng Sugar Order No. 4, na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal, ay nai-publish sa website ng SRA.

Mabilis na itinanggi ng Malacañang ang naturang utos, at sinabing tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasabay na nakaupo bilang hepe ng agrikultura, ang panukalang pag-aangkat. RNT