Rekomendasyon ng NDRMMC na magdeklara ng national state of calamity pag-aralan muna – Rep. Garin

Rekomendasyon ng NDRMMC na magdeklara ng national state of calamity pag-aralan muna – Rep. Garin

October 31, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mainam na pag-aralan munang mabuti ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung akma na ideklara ang state of calamity sa buong bansa bunsod ng pinsala ng Bagyong Paeng, ayon kay House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin.

Ayon kay Garin may advantages at disadvantages ang pagsasailalim ng bansa sa National State of Calamity, isa sa malaking magiging tulong ng deklarasyon ay magkakaroon ng automatic prize freeze sa basic goods sa ilalim ng Republic Act 7581 o Price Act , magkakaroon ng repogramming sa pondo para sa repair ng mga nasirang impraktraktura at makapagbibigay ng no-interest loan ang mga government financial institutions.

Bukod dito ay magagamit din ang quick response funds, ang NDRRM Funds at President’s Contingent Fund upang maging mabilis ang pagbangon ng mga nasalantala ng bagyo.

Gayunpaman nababahala si Garin na kung ideklara ang national calamity sa buong bansa ay maaaring maabuso ang paggamit ng pondo at maging sa mga lugar na hindi lubos na tinamaan ng bagyong Paeng ay magamit agad ang pondo.

“Sa mga affected areas lang dapat muna siguro ang maging rekomendasyon ng NDRMMC and with safeguards in place na hindi maabuso,” mungkahi ni Garin.

Sinabi ni Garin na hindi lamang ang Bagyong Paeng ang maaaring humagupit sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taong 2022 kasunud na rin ng pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) na 2 hanggang 3 pang bagyo ang aasahan ngayong Nobyembre at 2 sa Disyembre.

Sa babala ng Pagasa sinabi nito na dapat maging handa sa mga bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa huling quarter ng taon dahil ito ang karaniwang naglalandfall at karaniwang dumadaan sa central at southern Luzon, Visayas at northern Mindanao gaya lanang sa Bagyong Paeng.

Para kay Garin, bagamat may available funds ang pamahalaan para sa mga national disaster ay dapat maging maingat sa paggamit nito lalo at hindi lamang ang bagyong Paeng ang maaaaring maranasan ng bansa bagkus nagbabadya pa ang pagsabog ng bulkan kung saan aktibo ang Mt Mayon na itinaas sa Alert Level 2 at Taal Volcano na nasa Alert Level 1 bukod pa dito ang naranasang lindol na kamakailan ay tumamang muli sa Abra. Gail Mendoza