Rekomendasyon sa pag-alis ng face mask sa indoor setting, ‘di pa mapagbibigyan ng DOH

Rekomendasyon sa pag-alis ng face mask sa indoor setting, ‘di pa mapagbibigyan ng DOH

September 13, 2022 @ 6:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi pa mapagbibigyan ng Deparment of Health (DOH) ang rekomendasyon hinggil sa pag-alis ng face masks sa mga enclose spaces indoor areas.

Binigyan-diin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi kailangang magmadali sa mga pamantayan.

“Our protocols or our safeguards or the restrictions that we imposed ay mga bagay o mga pamantayan o protocol na nakkaprotekta sa ating lahat,” sabi ni Vergeire.

Ang pananaw ni Vergeire ay kasunodng pahayag ng Philipline Chamber of Commerce and Industry o PCCI na ang opsyunal na pagsusuot ng face mask ay hindi dapat limitado lamang outdoors kundi maging sa indoors.

Ito ay dahil ang mga tao ayon dito ay responsable na kung kailan at saan dapat magsuot ng face masks.

Sinabi ni Vergeire na kung balikan ang pinagdaanan natin sa pandemyang ito, ang pagma-mask at paggawa ng ibat-ibang restrictions ay nakapagligtas sa atin sa maraming pagkamatay sa bansa.Iniligtas din aniya ang health care system na ma-overwhelm.

“Kaya ang sinasabi natin, dinadahan-dahan po natin–pinag-aaralan natin maigi.Lahat po ng ating ipapatupad will be based on science , will be base on evidence and the ultimate goal is for us to protect the health of our people,” dagdag pa ni Vergeire sa press briefing.

Sa mga rekomendasyon aniya na kailangan alisin na rin ang face mask indoors dahil responsibility na ito ng bawat isa, sinabi ni Vergeire na siya ay pabor na responsibilidad ng bawat isa na i-assess ang kanilang peligro at alam natin kung ano ang tama na pagdukot at kung kailan hindi isusuot ang mask.

Pero giit ni Vergeire, hindi pa napapanahon sa indoor areas o spaces kung saan lahat ng indoor spaces ipinapakita na mas mataas ang probability ng pagtransmit ng impeksyon kapag nasa enclose o indoor spaces.

“Yan po ang hindi mapapagbigyan ng rekomendasyon ng Department of Health sa ngayon,” sabi pa ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden