Relasyon kay Bistek, kinumpirma ni Ruffa?

Relasyon kay Bistek, kinumpirma ni Ruffa?

March 17, 2022 @ 10:00 AM 4 months ago


Manila, Philippines – No. 1 sa puso ko.

Ito ang simple pero malamang post ni Ruffa Gutierrez sa Instagram patungkol sa rumored boyfriend niyang si Herbert Bautista.

Isa sa top 12 ang ranking ni Bistek sa alphabetical order ng mga tumatakbong senador ngayong May elections.

Kalakip ng post na ito ay mga imahe ng campaign trail ng aktor-pulitiko.

Kabilang ang dating mayor ng Quezon City sa Uniteam na nagsusulong sa tandem nina Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte.

Nauna nang naiulat na kumalas si Herbert sa partido nina PanfIlo Lacson at Tito Sotto.

Samantala, nagsimulang maugnay sina Herbert at Ruffa nang gawin nila ang The House Arrest of Us.

Balitang boto ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama kay Herbert.

Ito nga raw ang susuportahan ng pamilya Gutierrez sa halalan.

Parehong may mga anak sina Herbert at Ruffa from their previous relationships. Ronnie Carrasco III