Relasyon ng PH, China ‘di apektado ng ‘disagreements’ sa ilang isyu – PBBM

Relasyon ng PH, China ‘di apektado ng ‘disagreements’ sa ilang isyu – PBBM

January 4, 2023 @ 5:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat ipakahulugan ang “disagreements” ng Tsina sa relasyon nito sa Pilipinas.

Binanggit ito ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito kay Li Zhanshu, chairman ng Standing Committee of the National People’s Congress.

“We view the future as we view… with our partners and China being our largest trading partner… we feel that we must strengthen those ties and we must strengthen the cooperation at every level,” ang wika ng Pangulo, kasalukuyan ngayong nasa Tsina para sa state visit.

“And I believe that although there may be some difficulties and there may be some disagreements as had happened, as what happened between all…  I believe that this cannot be… we must not allow that [to be] the sum of our relationship,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “It is part of our relationship, it is something that we must attend to, it is something that we should discuss as friends and try to resolve in the most peaceful [way].”

Binigyang diin ng Chief Executive na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay hindi lamang sa usapin ng South China Sea.

“That is not the only relationship we have with China. It is not over the South China Sea,” ayon sa Pangulo.

Ang relasyon aniya ng dalawang bansa ay umabot hanggang sa “commerce, culture, education, trade at investment.” Kris Jose