Relasyong Paolo-Yen, lantaran na!

Relasyong Paolo-Yen, lantaran na!

November 21, 2022 @ 6:00 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Throwing caution to the wind.

Ito ang angkop na idiomatic expression para ilarawan ang ngayo’y lantaran nang relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis.

Kamakailan lang, ipinost ni Yen ang ilang litrato nila ni Paolo as she marked her birthday in the company of the actor.

Maging si Paolo posted their photos together on his Instagram account.

May caption ito na: “Happy birthday to my best actress!”

Apparently, maagang pa-birthday present kay Yen ang kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa recent 45th Gawad Urian.

Yen won for her performance in the film A Faraway Land kung saan kasama niya si Paolo.

Sa pelikulang ito nagsimula ang mga ispekulasyon tungkol sa noo’y inililihim pa nilang relasyon.

Sinundan ‘yon ng ilang public sightings sa kanilang dalawa ss Baguio, Pangasinan at kung saan-saan pa.

However, neither Paolo nor Yen has admitted to the romantic involvement.

Samantala, may blessing naman mula sa manager ni Paolo na si Lolit Solis ang relasyon ng alaga kay Yen.

Ani Lolit, kapwa naman daw walang sabit ang couple.

It’s been two years since Paolo and long-time partner LJ Reyes took separate paths.

LJ opted to stay in New York with her kids Aki by Paulo Avelino and Summer by Paolo Contis. Ronnie Carrasco III