Relax na quarantine rules sa int’l visitors pinag-aaralan pa ng DOH

Relax na quarantine rules sa int’l visitors pinag-aaralan pa ng DOH

January 22, 2022 @ 3:11 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Pag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang proposal na i-relax ang quarantine protocols para sa international visitors.

“We are studying this, together with our experts, kung ano ang rekomendasyon na maibibigay natin,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Nanawagan din si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa mga awtoridad na gawing home-based quarantine ang facility-based quarantine.

Sinabi ni Vergeire na inatasan na ng IATF ang kaugnay rito. RNT/FGDC