Relic ng St. Therese of the Child Jesus sa Pilipinas dinala sa Isabela

Relic ng St. Therese of the Child Jesus sa Pilipinas dinala sa Isabela

January 4, 2023 @ 7:56 PM 3 weeks ago


ANGADANAN, ISABELA – Ito na ang ikalimang pagbisita ng Relic of St. Therese ng Lexeux na sinalubong ng mga kasapi ng Tactical Operations Group 2-Philippine Air Force sa Cauayan Air Station.

Ang Pilgrim Relic ay isinakay sa NC-212i Nr 2120 mula Villamor Air Base, Pasay City, kahapon Enero 3.

Kasama ng TOG2 si Rev. Vincent Giovanni Wacas ng Saint William’s Cathedral Tabuk City, Kalinga at ilang miyembro ng Kalinga Provincial Police Office.

Ang mga Katolikong kasapi ng Valley Air Warriors at iba pang personnel ay nagkaroon ng oppurtunidad na masilayan at magbigay paggalang sa nasabing relic.

Ang relics of St. Therese ay dinala sa Tabuk City, Kalinga.

Umaasa naman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sa pamamagitan ng pagbisitang ito ng relic ay magiging mas tumibay ang pananampalatay ng mga katoliko.

Bibisitahin ng relic ang 54 na Archdioceses at Dioceses sa Pilipinas na nag-imbita kay St. Therese na makiisa sa pagdiriwang ng Simbahang Katoliko ng Synod of Synodality. Rey Velasco