Relief efforts ‘di apektado ng C-130 plane crash – PAF

Relief efforts ‘di apektado ng C-130 plane crash – PAF

July 11, 2021 @ 2:11 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Air Force  na hindi nakakaapekto sa relief effort  ng gobyerno partikular ngayong pandemya  sa nangyaring insidente ng  pagbagsak ng C-130.

Ayon kay  PAF Spokesperson Lt.Col Maynard Mariano  sa Balitaan sa Maynila, nariyan naman ang iba pang aircraft at helicopters ng air force  upang tumugon sa relief operations ng  gobyerno.

Pero nais aniya sana nila na magamit ang C-130 upang sa gayon ay mas marami ang kanilang maisasakay.

“We  really would like to have thus C-130 with us so that we can carry more” wika ng tagapagsalita ng air force

Mayroon pa rin aniyang mga maghahatid ng mga vaccines at medical equipment sa mga  lugar dito sa Pilipinas.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng PAF  ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden