Relief ops sa BARMM pinangunahan ng OVP

Relief ops sa BARMM pinangunahan ng OVP

November 27, 2022 @ 1:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Office of the Vice President-Disaster Operations Center (OVP-DOC), sa pamamagitan ng kanilang Davao City Satellite Office ang relief operation sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Huwebes, Nobyembre 24.

Ito ay kaugnay pa rin ng pagbibigay-tulong sa mga biktima ng bagyong Paeng na kumitil ng maraming buhay sa lugar.

Nakatanggap ng nasa 50 sako ng bigas mula sa OVP-DOC ang BARMM Ministry of the Interior and Local Government (MILG) at Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) sa pamumuno ni Naguib Sinarimbo.

“The Office of the Vice-President has already delivered initial supplies and aid assistance, and they also wanted to know the Bangsamoro’s early recovery plan [to match their] programs in connection to our early recovery plan,” ani Sinarimbo.

Matatandaan na noong Nobyembre 4 ay nagsagawa na rin ng iba’t ibang relief missions ang OVP-DOC sa mga lugar sa bansa kabilang na ang BARMM na pinakanapuruhan sa Mindanao.

Maliban dito, namigay din ng karagdagang tulong sa 500 pamilya sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte ang opisina ng Bise Presidente kabilang na ang 1,546 piraso ng assorted canned goods, tatlong tonelada ng gamit na damit, 200 piraso ng turban, 200 piraso ng sleeping mats, 300 piraso ng ready-to-wear clothes at 35 kahon ng 500ml mineral water.

Katuwang ng OVP-DOC at Davao Satellite ang 10th Infantry Batallion ng Philippine Army sa operasyong ito. RNT/JGC