Relief packs sa mga biktima ng baha sa MisOcc handa na – solon

Relief packs sa mga biktima ng baha sa MisOcc handa na – solon

December 27, 2022 @ 12:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Misamis Occidental 2nd district Rep. Sancho Fernando “Ando” Oaminal na may sapat na relief packs ang kanilang lalawigan para ipamahagi sa mga residenteng apektado ng pag-ulan at pag-baha sa rehiyon.

Sa ngayon aniya ay meron nang mga nakahandang food packs at inuming tubig bukod pa sa marami rin aniyang pribadong grupo na nag-donate sa kanila.

Katunayan, ngayong araw, Disyembre 27 ay mayroong 6,000 na food packs na inihanda ng kanyang tanggapan na ipapamahagi sa iba’t ibang evacuation center sa kanilang distrito.

Mayroon din aniya silang inilaan na 3,000 food packs sa District 1.

Simabi rin ni Oaminal na nirereserba nila ang hihinging tulong sa National Government pagdating sa rehabilitasyon ng mga nasalanta.

Hinihintay pa rin ng mambabatas ang assessment kaugnay sa lawak at halaga ng pinsala ng pagbaha.

Nabawasan ang pangamba ng kongresista dahil Disyembre 25 aniya naganap ang pag-ulan kung saan gising ang mga tao at mas mabilis na nakakilos ang mga ito para lumikas. Meliza Maluntag