RELIGIOUS LEADERS NAKASILIP NG PAG-ASA KAY BBM

RELIGIOUS LEADERS NAKASILIP NG PAG-ASA KAY BBM

September 2, 2021 @ 7:50 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

SA wakas ay nakasilip ng pag-asa ang mga lider ng iba’t ibang religious ministry kasunod nang naging panawagan ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.  na luwagan ang pinaiiral na regulasyon sa mga sambahan.

Ayon kay Willy Lasac ng Worldwide Soul Winners, si Marcos ang instrumento ng Diyos na katuwang upang mas palakasin  ang mga simbahan ngayong panahon ng kahirapan at walang katiyakan.

“Tunay na pinahahalagahan ka namin Senador Bongbong Marcos lalo na sa pakikiisa mo sa amin at ipaalala ang aming well being, physically, socially and mentally,” sabi pa ni Lasac.

“Siya ang instrumento ng Diyos lalo na sa panahong ito, upang gawin kaming simbahan sa layon o pagnanais at kailangan ng Diyos,” dagdag pa ni Lasac.

“Sa panahong ito aniya, nananangan kami sa aming pananampalataya upang kami ay palakasin at hindi daigin ng takot, kawalan ng kasiguruhan at pagkabalisa,” ayon sa statement ng ministry.

“Tinitingnan namin ang simbahan bilang sugo o agent ng pagbabago na magpapatupad ng misyon ng Diyos para sa restorasyon at pagkakasundo at pagkakabuo-buo sa harap nang pagkakawatak-watak, paghihiwalay at karamdaman.”

“Siya ay pinalaki sa tahanang may takot sa Diyos lalo na at nauunawaan niya ang mga hinaing ng mga tao sa kasalukuyan,” ayon sa Cenacle.

Samantala, sinabi naman ni Pastor Kenneth Andrew Durante ng “Biyaya ng Diyos Revival Church”na ang pinagpalang si Marcos ang umako para sa simbahan at iba pang tahanan ng pagsamba upang mabigyan ng pagkakataon ang sambayanan na ipakita ang kanilang pananampalataya habang nakikipaglaban ang bansa sa pandemya.

“Sinusuportahan namin si Sen. Bongbong Marcos sa kanyang layunin na buksan ang lahat ng bahay panambahan sa panahon ng pandemya,”sabi ni Pastor Durante.

“Kami ay pinagpala dahil may tao na katulad niya [BBM] na nanindigan at nanguna para sa mga gawain ng simbahan, upang mabigyan ng oportunidad ang mga mananampalataya na ipahayag ang kanilang paniniwala at tiwala kay Jesus, ang aming Blessed Hope sa panahon ng pandemya,” sabi pa ni Pastor Durante.

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com


  •  
  •  
  •