Remdesivir oks na sa US FDA para sa 12-anyos pababa

Remdesivir oks na sa US FDA para sa 12-anyos pababa

April 26, 2022 @ 2:50 PM 2 months ago


LOS ANGELES- Pinalawig ng US Food and Drug Administration (FDA) nitong Lunes ang pag-apruba sa COVID-19 treatment na Veklury, kilala rin sa tawag na remdesivir, upang saklawin ang pediatric patients, mula 28 araw pataas, na may bigat na hindi bababa sa tatlong kilo, na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, ang Veklury ang unang inaprubahang COVID-19 treatment para sa mga batang 12-anyos pababa ayon sa FDA.

Pwede ang Veklury sa mga naospital na bata, o may mild-to-moderate COVID-19 at high risk sa pagkakaroon ng sever COVID-19, base sa FDA.

“As Covid-19 can cause severe illness in children, some of whom do not currently have a vaccination option, there continues to be a need for safe and effective COVID-19 treatment options for this population,” ani Patrizia Cavazzoni, direktpr ng Center for Drug Evaluation and Research ng FDA. RNT/SA