Remittance center employee, tigok sa ambush

Remittance center employee, tigok sa ambush

June 20, 2022 @ 12:23 PM 2 weeks ago


MAGUINDANAO- PATAY ang isang tauhan ng remittance center matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilala na armadong suspek, Sabado sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Muslimin Behemino, habang nakaligtas ang kasama nito na si alyas Alinor, kapwa residente ng Pansacala Street Cotabato City.

Batay sa report ng Datu Saudi Ampatuan-PNP, dakong 12:00 PM naganap ang krimen sa boundary ng Datu Saudi Ampatuan (DSA) at Datu Unsay sa Maguindanao .

Ayon kay Police Lieutenant Melvin, hepe ng Datu Saudi Ampatuan Police, lulan ang mga biktima ng kulay puting Toyota Innova na may plakang NDM-3144 mula sa Cotabato City patungo sa General Santos City.

Pagdating sa hangganan ng Datu Saudi Ampatuan at Datu Unsay Maguindanao ay bigla silang tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Dahil dito, bumangga ang sasakyan ng mga biktima sa nakaparadang ten wheeler truck sa gilid ng national highway habang mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakitang duguan si Behemino at agad naman nilang dinala sa ospital pero sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Behemino.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa krimen pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico